Ratings1
Average rating4
Tindi nitong librong to kasi habang at matapos ko itong basahin, parang gusto ko nang beer. Ang inam kasi mula sa history, philosophies at mga ideya o mga chismis tungkol sa alak, ang dami kong napulot na mga bagay bagay, totoo na hindi ko naman kakailanganin ito sa malapit na kinabukasan, makakatuwa na nalaman ko ang mga ito. Galing. Mayroon pang mga simpleng tips para sa mga susunod ka inuman, gayon din para sa aftermath o ang hangober. Ang saya. Naaliw ako dito.
Ps.
Itong si Lourd de Veyra ay nakilala ko sa Radio Active Sago Project, bukod don, wala na, nung lumabas siya sa mga news segments sa TV5, nakita ko nanaman siya at gusto pala siya ni Ronald. Sinundan ko na siya dahil nabasa ko ang isang article niya sa spot.ph tungkol kay Gabriel Garcia Marquez, kasabay nang pagluluksa ko sa pagkawala niya sa mundong ibabaw. Dalawa na kaming malungkot. Mahabang istorya pa, baka hindi mo din magets, pero mula noon, gusto ko na din siya.